top of page

THE CHARACTERS

Zuri Alexandrie Montez

is often called "Lex" by Kale

 

Babaeng hindi sumusuko kahit nahihirapan na. Single parent. Nabuntis ng kanyang ex-boyfriend na si Jaden noong third year college pa lamang siya. Nang ipanganak niya si Zathea Anastasia, ipinangako niyang hindi na siya magmamahal muli. Handang niyang gawin ang lahat para sa taong mahalaga sa kanya. Kaya nang mangailangan siya ng malaking halaga para sa pagpapagamot nito ay napilitan siyang kumapit sa patalim. Ngunit, bago pa man niya magawa iyon ay dumating si Kale. Tinulungan siya nito. Sa pagtataka niya, hindi katawan niya ang hiningi nitong kabayaran kundi ang puso niya.



Halos perpekto na ang lahat hanggang sa makilala niya ang pamilya nito. Labis ang pagtutol ng mga ito sa kanya para kay Kale.



Kaya ba niyang ipaglaban ang pagmamahal niya para kay Kale?



 

Kaleb Travis Ferragni

​is often called "Kale"

​

Gwapong lalaking nagmula sa isang prominente at mayamang pamilya. Ang kanyang inang si Bellanca de Leon-Ferragni ay isang kilalang socialite at fashion designer. Ang kanyang amang si Rodolfo Ferragni ay isang businessman. At ang kanyang kapatid naman na si Viktoria Georgeanna ay nag-aaral sa .



Isa siyang researcher sa Antarctica na umiwi sa Pilipinas para magbakasyon nang makilala niya si Lex. Nakita niya ito sa tapat ng isa sa mga nakahilerang bar sa Makati. Unang kita niya dito ay nagandahan na siya rito. Tinulungan niya ito nang malaman niyang nangangailangan ito ng malaking halaga para sa mahal nito sa buhay. Unti-unti ring nahulog ang loob niya rito.



Ipinakilala niya ito sa kanyang pamilya. Ngunit tumutol ito nang malaman na mababa lamang ang antas ni Lex sa buhay.



Mas pipiliin niya ba si Lex kaysa sa kanyang pamilya? Anong magagawa niya para maipaglaban ang babaeng mahal niya?

Zathea Anastasia Montez
is often called "Tashi" by Lex and Kale

​

Bubbly Tashi ang kadalasang tawag sa kanya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ubod ng cute at kulit kasi nito. Siya ang anak ni Lex sa ex-boyfriend nitong si Jaden na tinakasan ang responsibilidad nito sa kanya bilang ama.



Awang-awa sa kanya si Lex sa tuwing mapapanodd niya sa parke at sa eskwelahan ang pamilyang magkakasama. Matalino si Tashi gaya ng kanyang ina. Lagi itong nangunguna sa klase. Alam din niyang wala siya ama dahil iniwan sila nito.



Nang makilala niya si Kale, parang nagkaroon na rin siya ng ama sa katauhan nito. Tuwang-tuwa siya sa tuwing bibisitahin siya ng Tito Kale niya.

Nathan Pierre Lafontaine
is often called "Nate" or simply "Pierre"

​

Kababata at matalik na kaibigan ni Kale. Buwan lang ang agwat nilang dalawa, mas matanda siya. Babaero at mahilig sa barhopping. Sa dami ng MGA naging girlfriend nito ay hindi na mabilang ng mga daliri sa kamay at paa. Mayaman ang pamilya nito tulad ng pamilya ni Kale.



Isang taon lang ang agwat niya sa bunsong kapatid niyang si Simone.

Viktoria Georgeanna Ferragni
is often called "Torie"

​

Isang fashionista na nag-aaral sa Culinary Institute of America. Spoiled brat. Siya ang bunsong anak nina Bellanca at Rodolfo, at siya rin ang nag-iisang kapatid ni Kale. Mahal na mahal siya ng mga ito. For them, she was their precious gem. Ingat na ingat ang mga ito sa kanya, lalo na ang kanyang kuya.



Bestfriend niya si Simone na kapatid ni Nate.

Kasselie Simone Lafontaine
is often called "Kassie" or simply "Simone"

​

Ang bunsong anak nina Andree at Anahera Lafontaine, at bunsong kapatid ni Nathan Pierre. Siya ang bestfriend ni Torie na kasabay niyang ipinanganak. Magkababata silang apat dahil isang taon lang ang agwat sa kanila nina Nate at Kale. Nung mga bata pa lang sila, lagi siyang nakabuntot sa kuya niya at kay Kale, dahil may gusto siya sa huli.



Magaling makisama si Simone sa mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi siya tulad ni Torie na pili lamang ang pinakikisamahan. Kaya naman naging mabait siya kay Lex nang maging bisita nila ito sa bahay ng lola niyang si Marianna La Croix.

© 2013 dingangbato

bottom of page