top of page

IRREVOCABLY INLOVE

Handang gawin ni Zuri ang lahat para sa taong mahalaga sa kanya. Kaya nang mangailangan siya ng malaking halaga para sa pagpapagamot nito ay napilitan siyang kumapit sa patalim. Pero bago pa man niya magawa iyon ay dumating si Kaleb, her knight in shining armor. Ito ang tumulong sa kanya. Sa pagtataka niya, hindi ang katawan niya ang hiningin nitong kabayaran kundi ang puso niya.

Everything seemed perfect, until she met his family. Ipinadama ng mga ito ang labis na pagtutol sa kanya para kay Kaleb pagkatapos malaman na mahirap at mababa lang ang pagkatao niya. Hindi raw siya nababagay kay Kaleb.

Kaya ba niyang ipaglaban ang damdamin niya para kay Kaleb gayong sa pagdaan ng panahon, tanging ito lang ang isinisigaw ng puso niya?

I love you so much. Ang tanging kapalit na hinahangad ko ay bigyan mo ng chance ang sarili mong maging malaya kang mahalin ako.

Kaleb Travis "Kale" Ferragni, Irrevocably Inlove

 

With no hesitation, Kale. I will accept and cherish your stone. And I promise to spend my whole

life with you.

Zuri Alexandrie "Lex" Montez, Irrevocably Inlove



 

THE PRETEND BOYFRIEND, MY FAKE BOYFRIEND

Gumalaw ang sulok ng labi ni Yale na para bang naaliw sa anumang nasabi ni Kaylee. " Gagamitin mo ako? "



Napabuntong-hiningang ginagap niya ang palad nito. " P-please? Magbabago ang perception ng publiko sa akin kung malalaman nilang may boyfriend ako at ikaw 'yun. Iisipin nila, hindi ko kailangang mang-agaw ng boyfriend ng iba. " magsasalita sana ito, pero inunahan niya. " Gagawin ko ang kahit ano, kapalit ng pabor na hinihingi ko, Yale. Kahit maging image model ako ng clothing company niyo all my life... Nang walang bayad, okay langlang. Please... " she sounded desperate. And she was.



" What is I ask you to strip in front of me, would you? "

​

Hindi makapaniwalang napamaang si Kaylee sa lalaki. Nagkamali yata siya ng taong nilapitan.

© 2013 dingangbato

bottom of page